Salamat sa Twitter, ang pinaka IN na public bulletin board (slash) chatroom. Ito na din ang nagsisilbing Dyaryo sa araw-araw. Kumpleto na eh, Updated current national and international events, updated Showbiz and chismis galore, syempre depende kung sinu ang pina-follow mo... aba 'wag mag expect ng showbiznews kung ang pinafollow mo lang naman eh yung kaibigan mong 0 tweets haha.
Paggising mo sa umaga (o kaya tanghali, o kaya gabi kung callcenter agent ka... basta paggising mo) sarap magbasa ng mga tweets..... una syempre check mo muna yung mga mentions mo.... yung mga ti-nag ka sa chismisan nila oh yung mga nabanggit ka sa asaran, tuksuhan... oh yung mga basta binanggit ka lang.... tapos reply-an mo isa-isa (oh well, better reply late than never haha), dont worry, libre naman magreply sa mga tweets :) Tapos basa naman ng mga latest tweets sa timeline... ito na yung part na makiki-chismis ka... makikisawsaw sa mga bagay bagay na feel mo lang sumabat at magpahayag ng iyong mga haka-haka, kuro-kuro at mga pakiwari sa mga bagay-bagay.
Kung madami ka pang oras at di naman nagmamdali, pwede mo dun i-check ang mga Top Trending Topics... Ito yung 10 pinaka pinaguusapan sa mundo ng Twitterlandia. Suki na dito ang mga topic na may kinalaman kila Justin Bieber, Tweens (hmmm sabi @krisaquinostd jejetweens) at kung sinu sino pang mga celebrities both local and abroad... Sa ngayon, ito ang Top 10 Trending Topics fito sa Pilipinas
#1 PAUL SANITY
#2 I CAN'T LIVE WITHOUT
#3 MY FAVORITE MOVIE
#4 KCA's
#5 PPGUDTYM JULIELMO
#6 BYE MARCH
#7 CONGRATS SLATER
#8 STEP UP 3
#9 ORANGE CARPET
#10 NAME PEOPLE
hmmm... yoko mag comment sa mga topic na nabanggit sa itaas hahaha
Madami din nakaaaliw na personalidad sa twitterlandia.. ang ilan dito ay sina
@krisaquinostd na walang humpay at walang kinikilingan sa pamba-bash (batikos) sa kung kani-kanino.. sa kanya ko madalas mabasa ang mga salitang KALURQUI, SHAMELESS, FAMEWHORE in which, most of the time eh, agree ako sa kanya haha
@superstarmarian sinungalimg ako kung di ko sasabihing never ako nagbasa ng mga tweets niya. isa ako sa 60 milyon mars niya. kaya naman naniniwala ako sa kanyang advocacy na "STOP DA WARS, BE A MARS) Jusme walang araw at gabing hindi ko binasa ang mga tweets niya...lakas maka GV (good vibes). Madami din pinauso itong Pambansang Mars natin tulad ng ODK (Oh Diyos Ko), Meynteyn!, Tsarlot! at syempre ang walang kamatayang bersyon niya ng sikat na kanta ni Katy Perry.... Ang CALIFORNIA GIRLS... tara kantahin natin yung bersyon ni Mars
CAVITENYA GIRLS WER ANFORGETABOL,
DASMA, IMUS, KAWIT, TANZA. TAGAYTAY,
SILANG & TRECE MARTIRES. BA CO OH OH
OH OH OR (2X)
@ofacialdionesia ang proud, orig and ofacial mami ni manny pacquiao sa twitterlandia. i-follow niyo na lang sya para sa karagdagang GV tweets :)
Ilan lang yan sa mga bonggang bonggang pina-follow ko sa mundo ng TWITTER :)
Mga Kwento Ni Muriko Kujima
Sabado, Marso 31, 2012
Ang Lahat Ng Ukol Sa Akin
Habang tinitipa ko ang mga letrang ito sa keyboard ay iniisa-isa ko sa aking isipan ang mga bagay na nais kong ilathala sa pahinang ito.
Teka, magpapakilala pala muna ako, ako si Maynard Sardoma (tunay na pangalan), Nikki sa mga kaibigan nung kolehiyo (shet! anim na taon na akong nakapagtapos), Muriko Kujima sa twitter (follow niyo ko ha @MurikoKujima). Oh start na.....
Teka, magpapakilala pala muna ako, ako si Maynard Sardoma (tunay na pangalan), Nikki sa mga kaibigan nung kolehiyo (shet! anim na taon na akong nakapagtapos), Muriko Kujima sa twitter (follow niyo ko ha @MurikoKujima). Oh start na.....
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)